Siguro ilang taon din ang lumipas bago ko tuluyang natanggap ang katotohanang marami sa mga Katoliko sa Pilipinas ay mga "Sunday churchgoer" lang, i.e., mga nagsisimba lang kada Linggo kasi naging routine na lang nila 'yun, sometimes hindi na rin nila alam kung bakit pa sila nagsisimba. Minsan nga, hindi rin alam ng iba 'yung mga turo ng Simbahan, mula sa kung bakit sa Katoliko lang ang "Antanda ng Krus" ("Sign of the Cross"), hanggang sa kung ano ang turing sa mga santo at kanilang mga imahen, hanggang sa kung bakit nga ba tutol ang Simbahan sa RH Bill.
Alam ko namang bago mag-First Communion ay may Catechism na ang isang bata: it even starts at home, sometimes. Pero hindi lahat ay talagang nakakaintindi rito: maraming tanong ang hindi naitatanong o hindi nasasagot, kasi either nahihiya magtanong 'yung tao or hindi masagot ng maayos ng tinatanong, que katekista o kahit pari.
So may pagkukulang ba ang mga pari? Yes, of course. May mga pari na hindi mo talaga malapitan dahil ubod ng yabang o nakakatakot. May mga pari namang hindi dapat maging pari. Kaya ang laki ng load ng mga paring mabubuti, 'yung talagang may koneksiyon sa buong parokya (hindi lang sa iilang may pera) at 'yung approachable talaga, at 'yung, basta, you know a good priest when you see and meet one. Sinusubukan nga nilang maging mabuting ama sa komunidad na ipinagkatiwala sa kanila ng Ama, pero may mga tampalasan namang nagpapabigat ng sitwasyon.
Kaya kailangan din ng tulong ng mga pari mula sa laiko. O sa mga taong marunong at malakas ang pananampalataya, pero hindi naman pari o madre. Kasi kulang tayo sa mga mabubuting pari: and even so, we won't dare sacrifice quality for the quantity.
There's a good number of Catholics who are capable of strengthening the faith of others. Ang kaso nga lang, kulang ng push. Marami akong kakilalang magaling talaga sa doktrina ng Simbahan. Ang iba nga sa kanila, magaling din makipag-debate. At ako, dati rin akong mahilig makipag-debate.
Naisip kong medyo mag-lie low muna sa pakikipag-debate sa mga non-Catholic kasi masakit sa ulo minsan 'yung pagiging illogical ng arguments at ang mga sentence pattern nila (minsan nga may sinabihan akong bumalik sa elementary school para mag-aral ng English grammar). Isa pa, kasi naisip ko rin na mag-focus na lang muna sa pagkalinga sa pananampalataya ng mga kapatid ko kay Kristo: nalalaman nga ng mga kalaban ko sa "paghahanap ng katotohanan" 'yung mga bagay-bagay tungkol sa Simbahan, samantalang hindi pa rin ito alam ng marami kong mga kapatid.
At isa pa, kadalasan ay pataasan lang naman ng morale ang nangyayari sa debate. Naghahanapan ng loophole sa mga argument, gumagamit ng masasakit na salita, at kung minsan nag-aaway-away pa ang magkakapatid. Alam ko na dapat nating ipagtanggol ang pananampalataya sa mga sumisira rito, pero mas kailangan nating patatagin ang pananampalataya ng mga kapwa nating Katoliko.
Kailangan din ng isang magandang environment sa Simbahan: 'yung lahat nakangiti, masaya, at walang distinction ng mayaman at mahirap. 'Yung mararamdaman ng lahat na bahagi sila ng isang pamilya, hindi 'yung iilan lang ang nagkakaintindihan. Nagagawa nga ito ng maliliit na sekta dahil pursigido sila, hindi dahil konti sila. Dapat nga mas maging masaya sa loob ng Simbahan, kasi 'di ba, "the more, the merrier"?
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment