Maraming kapatid sa tanging Santa Iglesia Catolica ang nangalalamig sa pananampalataya sa panahon ng pag-uusig, o maging sa panahon ng pansarili o pampailyang problema.
Sa Evangelio ngayon, makikita natin si Tomas, na sa halip ay kasama ng sampung disipulo ni Jesus na manahimik sa pananalangin, ay masyadong nananangis sa kamatayan ni Jesus. Kaya nang si Jesus ay pumaroon sa kanila, hindi natanggap ni Tomas ang kapayapaang ipinagkaloob Niya sa Kaniyang mga alagad.
Gayundin sa atin ngayon, mga kapatid. Ano ginagawa ng karamihan sa panahon ng problema? Nangaroon, nagmumukmok at nag-iisip mag-isa na sa halip ay kasama ng Iglesia sa panalangin at pagharap sa pagsubok ng buhay. Mayroon pa ngang nangag-iiba ng pananampalataya, na sinasabi pang kailangan nilang hanapin kung saan sila kabilang, kung saan sila "belong" o "welcome."
Mali at nakakaligaw ang ganitong pag-iisip. Maling mali! Nasaan ang paglutas sa problema? Nasa sa atin! Sino ang makakapag-"welcome" sa atin? Siya mismo, sa pamamagitan ng ating taimtimang pananalangin! Wala sa ibang tao ang pagwewelcome sa atin, lalo na kung may problema! Sa panalangin, at tanging sa panalangin lamang, mga kapatid.
Manatili kayo sa Iglesia! Ang presencia ni Cristo ay nangasasa-atin, wala kay Manalo, kay White, kay Muhammad, o kung kani-kanino pa.
BAGO MAG-REACT:
Bagama't hindi orihinal na salita, bahagi ito ng pagtuturo ni Rdo. P. Emil Quilatan, OAR kaninang umaga sa Santa Misa.
No comments:
Post a Comment